#DPSEncounters
WALANG TAWIRAN, NAKAKAMATAY.
– Lily.
BAWAL TUMAWID, basa ni Giselle sa sign, MAY NAMATAY NA DITO.
​
Kailanman ay hindi niya talaga na-gets yun. Maaaring may namatay na rito, oo, pero hindi niya pa naririnig ever na ang dahilan ay dahil may tumawid. Napairap siya dahil ito na naman ang mga Pilipinong napakatigas ng ulo. Dalawang lane na ng sasakyan ang sinakop nila kakaabang ng jeep kaya traffic na naman sa highway. Napairap si Giselle habang iniisip sa sarili niya na wala na talagang pag-asa ang Pilipinas kung simpleng sasakay na nga lang sa public transport ay wala ng disiplina.
​
“Ma’am, ma-le-late po ata tayo.” Sabi ni Kuya Grab driver na parang hindi niya nakikita yun sa iPhone 6s na bigay ng nanay niya sa kaniya. Pinigilan niya mag-attitude dahil bumababa na yung rating niya sa app.
​
“Sige lang po kuya, salamat.” Pilit na pilit ang ngiti ni Giselle. Nung napansin niya na focus on the road na si Kuya Grab, napasimangot na ito.
​
“Hey Siri, open iMessage please.” Sabi niya at nagbukas na ang kaniyang iPhone sa listahan ng contacts niya. Nagloloko na kasi yung pindutan. Hinanap niya yung chat nila ng kaibigan niya at nung mapansin niya na nabababkbak na kyoteks niya, lumalim pa lalo ang simangot nito. Pinag-ingatan niya pa naman ng isa’t kalahating linggo para umabot sa bachelorette party ni… ayun! Nakita niya na rin ang pangalan ng kaibigan niya.
​
“Yanna, sorry sis I think late si me dahil traffic eh.” ni-type niya at pinadala ang mensahe kay Alyanna na ikakasal na sa susunod na Sabado.
​
“Gigi! It’s gumagabi na oh! Arte mo kasi kakapaganda mo you’re late to my party na tuloy!” Ang dami namang exclamation point ng reply ni Yanna. Nararamdaman na ni Giselle ang gigil ng sis niya mula rito sa highway.
​
“No kaya!” reply nito. “It’s the people na nag-aabang ng jeep. Anyway, I’m so malapit na. I can even walk kaso there’s too many tao baka hablutin nila yung Gucci bag ko.” nirason nito. Galing lang naman yun sa Divisoria pero mahal pa rin naman dahil mukhang tunay na branded kaya sayang din kung mahablot.
​
“Ugh, fine! Just take care and get over here ASAP, ok?” Nag-expire na ang load ni Giselle at di na siya naka-reply sa kaibigan niya. Ayos lang, tatawagin lang naman siyang snob at bitch pero kapag nagwalwal na ang mga babae magpapaka-clingy na naman yun. Si Giselle pa nga ang maid of honor eh, kaya hindi niya ito masyadong pinag-isipan pa.
​
“Pakibilis na lang po Kuya,” sabi niya sa nagmamaneho. Tumango ang manong at sinubukan ang shortcut na sinasabi ng kaniyang Waze para naman makakuha pa siya ng ibang pasahero pauwi. Hindi magandang maabutan niya ang gabi sa lugar na ito. Si Giselle na walang malay ay nagbayad na ng cash sa driver, inantay ang kaniyang sukling twenty-two pesos, at bumaba na para makapag-party with her girls.
​
​

Photograph taken by: Juugo.
Pagpasok ng dalaga sa venue, may mga sumasayaw na lalaki at maraming dekorasyon na may kakaibang hugis. Akala naman ni Giselle classy ang gusto ng kaibigan niya para sa party. Speaking of, nasaan na nga ba ang bride to be? Kailangan na niya ibigay ang regalo nito na nasa recycled Uniqlo paper bag.
​
“Gigi!” Napalingon ang babae sa pinagmulan ng sigaw. Ayun na nga si Yanna na may frosting sa pisngi. Lumapit ang dalaga sa kaniya. “You’re finally here!”
​
“Better late than never!” Sigaw ni Giselle kahit katabi na niya si Alyanna. Nagtilian ang dalawa at beso-beso bago itulak ng bride ang kaniyang kaibigan papunta sa mobile bar. Panigurado sasakit ang ulo ni Giselle kinabukasan. Hindi na rin siya magugulat kung mahigit sa dalawang beses siya masusuka sa gabing ito. Nagsayaw, nagtulakan, at tumagay ang mga dalaga buong gabi. Isa-isa, umuwi na ang mga bisita ni Alyanna, hanggang si Giselle na lang ang matira.
​
“Eh? Wala pala signal here?” Nakasimangot na naman siya.
​
“Are you going to get a Grab ba? Yung kanto has connection.” Sabi ni Alyanna na natatawa-tawa pa dulot ng kaniyang kalasingan. “Or you know I can baba you naman sa condo mo mismo.”
​
“Ah wag na. That’s so much abala pa!” Pero ang totoo ay hindi dala ni Giselle ang parking pass sa condo ng kasintahang kano ng nanay. Kaya nagpaalam na siya with beso at sinabihan siyang mag-ingat. Hindi naman gaano kadilim sa daan dahil sa mga kulay kahel na ilaw ng poste. Si Giselle lang ba, o tumatagilid yung mundo? Napangiti siya kasi oo, siya nga lang. Lasing siya eh.
​
Sa wakas, umabot na si Giselle sa kalsada. Malamig ang hating-gabi at wala na siyang makitang ibang tao o anuman na sasakyan. Tinignan niya ang kaniyang iPhone nang matauhan siyang naubusan na nga pala ng load. Wala ba talagang dadaan? Sa kabilang panig ng highway, kita niyang bukas pa ang McDo. Alam niya may mga tricycle na nakaparada sa tabi. Ang mga mata niya napunta na naman sa babalang nabasa niya kanina.
​
BAWAL TUMAWID. MAY NAMATAY NA DITO.
​
​
Nangutya si Giselle sapagka’t parang isang kasinungalingan lang iyan. Paano naman kasi hindi tatawid? Wala naman overpass, ang layo pa ng U-turn, at kahit anong uri ng transportasyon ay wala. Ayan, kaya hindi uunlad ang bansa na ito eh. Iniyugyog ni Giselle ang kaniyang ulo dahil inasahan niyang mawawala ang pagkalabo ng kaniyang paningin at mas maging matalas ang kaniyang galaw. Siyempre, lalo lang sumakit ulo niya.
​
“Putangina,” bulong ni Giselle sa sarili niya. Dahan-dahan siyang naglakad, tumitingin sa kaliwa kung saan dapat paparating ang mga sasakyan.
​
“Wala. Wala nga kasing kotse.” Ha? Saan galing yun? Napatingin siya sa kanan.
​
“Mali. Hindi dyan.” Maingat siyang lumingon ngunit wala ang may-ari ng boses.
​
“Hindi pa rin, ija.” Bumalik sa harap ang kaniyang tingin. Parang lumayo ang mga ilaw na nakita niya kanina. Hindi naman siya naglakad nang palikod ‘di ba?
​
“Hindi.” Puta. Naglakad muli si Giselle kahit na naramdaman niyang nanlamig at bumigat ang kaniyang mga paa. Nararamdaman niya pataas nang pataas ang lamig hanggang makarating ito sa kaniyang mga binti. Malapit na. Malapit na siya. Hindi ba? Lumingon siya kahit na may kutob siyang dapat hindi pa tumingin palikod. Bumalik siya sa unang lane.
​
“Ano nangyayari?!” Sigaw niya. Ang boses ng dalaga ay magaspang, sumakit ang kaniyang lalamunan ‘di lang dahil sa kakainom ng gin o kakasuka sa banyo. Tumakbo na siya subali’t mas mabagal pa siya ngayon kaysa kanina. Ang bigat at lamig ay sinamahan na ngayon ng pagsikip abot sa bewang. Nahuhulog si Giselle. Nadadapa nang napakabagal ang kilos. Tama?
​
“Mali.”
​
Hindi. Hindi siya nadadapa kundi lumulubog. Hinayaan na niya ang sarili niyang yumuko at pinagsisihan niya ito. Mga aninong walang mukha hinihila siya pababa. Ang daming itim na kamay humahawak at humahatak sa kaniya pababa. Bawal tumawid. Ang dibdib niya’y umabot na sa graba. Pakiramdam niya ang kaniyang baga ay pinupuno ng maliliit na bato. Hindi na siya makasigaw. May namatay na dito.
A LADY'S TORMENT
– Lila Sky.
PISO
– Balisong.

Photograph taken by: Cookie.
Trigger Warnings: suicide, verbal abuse, horror themes.
​
“Come with me.”
​
You sat up with a groan, head aching from the countless sobs you just let out. Slowly, you let out a deep sigh, finding her voice taunting yet comforting. You did admit it was much better than hearing anyone else’s. Hers was always in that same enigmatic tone; others dripped in disappointment and annoyance. Somehow, you were thankful she didn’t express anything other than those three monotonous words. You relished in that poor excuse of kindness.
​
Slowly, you turned your head to catch her voice once more, seeing if she would say anything more this time. She was silent again, like all your encounters with her but you know it won’t be long until she utters the phrase again.
​
You got up to turn the lights on, not paying her much attention like before. You squint as light flooded the room but weren’t fazed at the sight of empty glass bottles, an unmade bed, and a very cluttered desk.
​
It wasn’t like you to be so disorderly. But then again, you haven’t been you for the past year.
​
“Come with me.”
​
She spoke again, a whisper by your ear this time. She almost seemed to growl in frustration. Her voice was laced with hostility and aggression like she was frustrated… but with what?
​
Suddenly, they came barging in with an indifferent look on their face. They zeroed in on the mess that you’ve made in the midst of your weeping and the rushed apologies for not being who you should have been.
​
“Come with me.”
​
Ano ba ang balak mo sa buhay mo ha? Nakikita mo ba sarili mo? Tangina wala ka ng nagawang tama. Wala kang kwenta. Kung sana ginalingan mo nung...
​
“Come with me.”
​
She rasped gravely once more, louder this time. Her voice was clear this time as they went on to point at everything you’ve been dreading to hear. And you wanted to. You wanted to be anywhere other than where you are right now. You would even allow hell itself open up to you and pull you into its continuous and incomprehensible damnation.
Ano ba pinaggagagawa mo? Nakaka-disappoint ka ha. Buti pa nga yung pinsan mo doctor na, eh ikaw? Mag-dadalawang taon ka na walang ginagawa. Pampabigat ka lang eh. Siguro….
​
Their voice was faded but you can clearly hear the accusations they spat, shooting and leaving you to bleed. You felt yourself starting to shake as your chest grew heavy like it did last night. You tightly balled your hand to a fist and held your breath as you forced yourself to keep up the act. There was nothing you could do as you were bound to take all of their bitterness with having a useless child like you.
​
You saw her behind them and even from a distance, you could sense the sensations she was trying to let you feel. Cold, wet, and dark – like you were being buried alive to your grueling finality.
​
Ligpitin mo ‘tong kwarto mo ha. Wala ka ng ibang alam kundi matulog at uminom. Ayusin mo buhay mo ha, hindi pwedeng habang buhay ganito ka na lang. Sana pala ‘di na lang kita pinag-aral kung ganito lang pala kalalabasan mo.
​
You released the breath that you’ve been holding as the door slammed shut. Your chest felt tons heavier as it pulled you to the ground. Like the night before, you couldn’t hold back your tears as you sobbed against your hand, making as little noise as possible.
​
Everything you were, everything your nightmares showed you immortalized itself in your mind, taunting and eating you alive at that very moment. It held you captive in its cages and controlled you, like a puppet to its puppeteer. You’re not in control anymore. You were never in control.
​
It placed you in that pristine white box embellished with gold and silver details, with an arrangement of flowers just placed on top as it was sealed shut; and in sheer terror, you could only be a witness as it lowered you down, knowing that escape was no longer in your grasp.
​
The fine line between life and death.
​
The lady in white garments shrieked horrifyingly, dark-colored blood running down her hollow cheeks from the empty sockets of her eyes. You felt her cold, gaunt fingers pushing you off the chair. Her face was the last thing you saw.
​
Come with me.
​
And you did go with her, with a broken neck and your feet dangling just above the floor.
​
Magligpit ng kwarto di mo magawa, wala kang silbi!
Sa Lunetang talamak na puntahan,
napagpasyahan kong gawing tahanan.
Umaasa lamang sa mga taong namamasyal,
Dignidad na mayroon ako ang laging isinusugal.
​
Nakasalampak sa daan,
at tila pinagbagsakan
ng impyerno't langit.
Aking katabi'y luhaan
at nagngingitngit sa galit.
​
Wala akong ibang nagawa kundi mapatigagal sa pwesto.
Bawat hikbi niya'y nakapagpapanindig balahibo.
Ni hindi matitigan ngunit naririnig ko,
halos madamay ang buong Pilipinas sa kanyang pagsusumamo.
​
"Kalagayan ngayo'y 'di ko inakala,
namukadkad lamang ng kalawang ang naitanim sa'kin na bala.
bagamat nakalaya ngayon ang minsang itinuring na Indio,
tila nakagapos pa rin sa kalaban ang kani-kanilang mga puso."
​
"Sinong may sabing wikang Ingles ang daan sa talino,
kung siya rin nama'y mang-mang sa wikang Filipino?
Kaunting kamalian sa banyagang wika'y agarang pupunahin,
ngunit turing sa sariling wika'y mababa pa rin."
​
"Mga magsasaka'y tinatratong parang inutil,
Kahit dugo't pawis ang inaalay sa pag-ani ng bawat butil
Sinabi pa ng nagmamataas na hangad daw nila maging haciendero.
Punyeta! Kahit sinong magsasaka'y maluluha kung yaring inani'y mabibili lamang sa halagang sampung piso!"
​
"Bansa ngayo'y tila sinakop ng kapwa Pilipino,
Payak na paggampan sa pwesto'y nauwi sa korapsyon
Kay daming buhay ang nasisira't nalalagas dahil sa maling pagtrato,
Kanilang serbisyo'y walang mangyayaring pagbabago."
​
"Mas mapalad ang mga taong marangya,
nakararanas ng ganda sa itaas ng kubyerta.
Habang ang mga dukha'y patuloy na ibinababa,
bawat isa'y pinagkakaitan ng laya."
​
Bawat katagang sinabi niya'y bumaon.
Ngunit aking kaba'y nadagdagan nang siya'y biglang bumangon.
Yabag ng paa niya'y patungo sa akin.
Sapatos niya'y nakatapat na sa aking paningin
​
Mula sa ibaba ay sinuri ang pigurang nasa harapan,
makalumang pantalon at damit ang kasuotan.
Takot ko'y natriple nang makita ang kanyang mukha,
kulot na buhok, duguang dibdib at mga matang lumuluha.
​
Bunga ng aking pagkaripas ay ang kanyang tawang pagak.
Tila alam niyang narinig ko ang kanyang tangis at pag-iyak.
Isang tanong ang iniwan ng pamilyar na elemento,
​
"Ikaw bata, hanggang saan ka dadalhin ng ulo kong nakaukit sa mga piso?"
TEN-TWENTY
– Takipsilim.
MAGWAYEN
– Cortana.
Nandiyan nanaman siya.
​
Gabi-gabi, sa bawat segundong nananatiling nakapikit ang aking mga mata,
nararamdaman ko ang presensiya niya sa paanan ng aking kama.
Minsan na niya akong sinubukang kumbinsihin na ‘tingnan mo ako, bata,’
ngunit tanging pag-iling na lamang ang aking nagagawa.
​
Isang linggo na siyang nakalambitin sa kisame, sabi ni ina,
bagama’t sa akin lamang nakapako ang kaniyang mga mata.
Hindi siya gumagalaw, hindi siya bumibigay, at hindi rin humihinga,
maliban na lamang sa pagkakataong bubukas ang kaniyang bibig upang magsalita.
​
Gabi-gabi, sa bawat pagkakataon na mayroon siya,
parati kong napapakinggan ang mga pagbulong niya ng ‘sumama ka na,’
Pero ‘hindi! bawal!’ ang isinisigaw ko pabalik sa kaniya.
‘Pinalaki akong tinuturuang ang pagnanakaw ay masama. Hindi ko pwedeng gawin iyan, kaya tumigil ka!’
​
Wala siyang isinagot sa akin ng panahong iyon, kaya’t ako’y nagtaka,
Ni kahit munting tawa o tunog man lang ng pag-biyak ng kaniyang mga labi ay wala.
‘Sisilip lang ako,’ bulong ko sa aking sarili, ‘at baka tuluyan na siyang lumisan na.’
Tumungo ako at nilunok ang namumuong kaba, bago ko dinilat ang aking mga mata.
​
Nanlilisik na tingin na para bang inaangkin ang aking kaluluwa,
at sugat-sugat na kuwerong banat ng ngiping tumutulo ay dagta.
Dahan-dahang lumapit sa aking mukha ang daliring tila’y nanginginig nang sobra,
ngunit sa anong dahilan ay hindi ko na mawari pa.
​
Ngunit sa kabila ng kagila-gilalas na hitsura,
may nakita akong kumikinang sa likod ng kaniyang mata.
Ako ay nabigla, pagka’t iyon ay kataka-taka;
posible palang magtaglay ng ganoon ang isang tulad niya.

Photograph taken by: Juugo.
Nanghina ang aking loob at ako ay nag-atubili, ngunit isa iyong pagkakamaling malubha,
sapagka’t lalong lumaki ang ngiti nito hanggang umabot sa kaniyang mga tainga.
Bigla itong lumundag pauna, at idinikit ang nagdudugong ulo sa aking namumuting mukha,
at sa mababang tono’y binulong ang mga katagang ‘huli ka, bata.’
​
–––
​
Umuulan ng araw na iyon.
​
Tahimik niyang pinagmasdan ang prusisyong papasok sa lugar ng mga namayapa, akay-akay ang kabaong na sakto ang laki para sa isang bata. ‘Namatay daw dahil pinagbabaril ng pulis,’ sabi ng mga matatanda na nakatayo malapit sa kaniya.
​
‘Nahuli na nagnanakaw sa tindahan sa may plasa,’ ani ng isa. ‘Pero bakit naman kaya? Hindi naman pala-nakaw ang batang iyan, ‘di ba?’
​
‘Hindi mo rin nasisigurado, ha,’ sagot ng isa pa. ‘Ang mga taong katulad nila, gagawin ang lahat para lang makaahon sa kanilang mga problema.’
​
Napangiti na lamang siya, hanggang sa muntik na mabiyak ang kuwerong nakabalot sa kaniyang mukha. Tama naman sila, tahimik niyang sinabi sa sarili niya. Tumayo ito at tumungo sa mga taong pumapasok na sa pook ng banal na lupa, nanginginig na mga kamay ang naka-handang i-alay sa batang bumigay sa panunuksong kaniyang ginawa; sa kabalakyutan ni Magwayen, ang espiritu na gumagabay sa mga napariwarang kaluluwa pababa.
“Galingan mo!”
​
“Anna taasan mo ang talon!”
​
​
Sigawan. Hindi naman na bago ang ganitong senaryo sa mga naglalaro ng ten-twenti, abot langit lagi ang tensyon at kaba ng mga naglalaro lalo na kapag mother na ang sasalang dahil sakaniya nakasalalay ang lahat.
​
Nga lang, iba ang sitwasyon ngayon.
​
Tumango si Anna, ang mother, nangangatal ang mga binting inuuod na—kung bakit? Tanging ang mga batang halimaw lamang ang nakakaalam—bago muling ibinato ang tingin sa mga taya, ngiti nila’y literal na abot tainga, banat na banat ang labi na tila nagbabantang mapunit. Maging ang mata nila’y nanlilisik sa tuwa dahil nakahanap sila ng hapunan ngayong gabi.
​
“Anna… dead mother dead all ha?”
​
Saka inilabas ng isa ang dila na ilang dipa ang haba, inaabangan ang siguradong pagkatalo ng mga bata.
THERE IS A KAPRE
AMONG US
A young girl, probably 9 years of age, entered the dull building she called “home”. Disgust was what she felt every time she went inside – with the wallpapers that looked like they were soaked in Xonrox, the brand of bleach that her mother used to wash white clothes (although this can be argued to be removed since it's not necessary), and the wooden floors that squeaked with every step she took, making her feel afraid that one day she would destroy the whole place with her weight. However, what disgusted her the most was the smoke coming out from her step-father every time he'd open another pack of Marlboro.
​
The trash would always be filled with red and white packets of cigarette together with its butts, and if people were to check, they would think that the whole household was smoking even though it was just a product of one smoking man. He was a drunkard and a heavy smoker, something she’d pondered about every day on how he ever got together with her mother.
​
“Hija,” Her mother shouted from downstairs. She immediately stood up and opened the door as she heard her mother’s call. She ran downstairs, she was probably going to be asked to buy something from the store, probably cooking oil and another pack of Malboro.
​
She looked at her mother in question, eyeing the elder's hands as she slipped a 50-peso bill in the younger's hands. “Go to Belen’s tindahan and buy some patis and then buy another pack for your papa.” She said, smiling sweetly to the younger. The little girl nodded and headed out – that was another excuse for her to escape the stench. She stopped in front of a small home, with a huge sign plastered above it that read Aling Belen's Sari-sari store.
​
“Pabili po?” She rolled the 50 pesos and tapped it on the wooden counter as she peaked inside. There came into view was an older woman, probably the same age as her mother, wearing a red loose dress with a noticeable green fan in her hand.
​
“You’re here again, hija.” The older spoke. She shook her head as she looked out, glancing at the young girl’s home. The girl explained what she needed to buy, in an instant, a packet of fish sauce and cigarettes came into view. She handed the bill and waited for her change.
​
“You know, your father reminds me of a kapre that stays in our mango tree in our province. Always smoking and sitting, watching at people who pass by, and you always have to be kind, or else they’ll hurt you.” Her eyes widened at the description that the older just laid out. That sounded just like him – every time she'd have to walk across the living room, she had to make sure she’d slip by quickly or else her father would throw a fit, or that one time where her mother was having a hard time since she was already running late, he didn’t bother helping her with the chores.
​
“There were a lot of times that I, myself, almost got to meet that kapre,” The woman started, the girl grabbed a wooden chair and sat quietly as she listened to the story.
​
“We were in Batangas and it was around nighttime. I was around your age, and my cousins and I went out around dinner time. Our parents told us not to go too far, but we really wanted to see Lolo’s mango tree. He loved that mango tree more than anything and took care of it like it was his another child. Mama said that the mangoes were ripe and could be picked in the morning, but we could not wait any longer. On our way, the eldest one kept scaring and teasing, saying that if we see smoke coming from the tree then it must mean that there was someone guarding it. Once we were near, there was no smoke. I scoffed and started climbing the tree. Even if it was dark, I memorized what it looked like.
​
Taking one mango from the highest branch, I came back down only to be greeted by the smell of burning tobacco. I was so sure that there was someone else except from me but I did not turn back. I ran back to my cousins and right there, we immediately noticed the cloud of smoke. Almost instantly, we dashed back to our parents, gripping the mangoes and our terrified chests. We were unsure who or what that was, but I knew that we were not alone." The older finished narrating leaving the younger's mouth agape. It was as if the woman has just told something that her stepfather would actually do."
​
“Ay nako. Enough chismis. Here’s your change. Go home and bring this back to your parents before your papa gets up from his branch.” The older teased as she handed her the packets and coins, the younger waved and skipped back home, having new knowledge about the world.
– Lua.

BISPERAS NG UNDAS
– Theseus.
"Ano ba naman ang signal na 'to!?"
Inis na sigaw ng binata habang nakatingin sa kaniyang selpon. Kanina pa niya sinusubukang maglaro ng Among Us ngunit pawala-wala ang connection niya sa internet. Umuwi ang pamilya nila Luke sa probinsya para sa undas. Bagaman gusto rin ng binata na makita ang kaniyang mga pinsan na nandirito, naiinis siya sa napakabagal na signal.
​
"Sana all sanay sa mabilis na connection." Ani ng pinsan niyang si Greg sabay tawa ng malakas. Hinampas naman ito ng isa pa niyang pinsan, si Sasha. "Huwag ka nga maingay! Kita mo namang nasa sementeryo tayo oh."
​
Napailing na lamang si Luke sa asta ng dalawa. Pinapunta sila ng mga magulang sa sementeryo bago pa ang undas para linisin ang puntod ng kanilang Lolo at Lola. Tapos na sila, pero ayaw pa umuwi kila Greg dahil siguradong sandamakmak na utos ang kanilang maabutan.
​
Noong bata pa sila, palagi sila kinukwentuhan ng kanilang lolo at lola tungkol sa mga kababalaghan. Sa tatlong magpipinsan, si Sasha ang pinakamatatakutin. Kaya gustong-gusto ito asarin ni Greg na naniniwala din pero hindi madali matakot. Si Luke, na laking siyudad ay hindi naniniwala sa mga kwento at sabi-sabi.
​
"Paano tayo makaka-laro ng maayos nito?" Nababagot na si Luke pero sang-ayon naman siya sa mga pinsan niya na huwag pa muna umuwi. Napabuntong hininga ang binata at tumingin sa paligid, mayroon ding ibang mga bata na nandoon, naglilinis din siguro ng mga puntod.
​
"Tsk, ano ba pwede gawin?" Tanong niya sa dalawa niyang pinsan at pinatay ang kaniyang selpon, wala naman siya magagawa gamit yun eh. Sayang, simula nung dumating siya dito sa probinsya ay hindi pa siya nakakalaro ng maayos.
​
Nagulat na lamang sila nang biglang may nagsalita sa tabi, lumapit pala yung isang batang naglilinis ng puntod kanina. "Gusto niyo ba sumama? Maglilibot ako sa sementeryo eh." Aya nito sa tatlo. Nagkatinginan ang magpipinsan, si Greg ang naunang nagsalita na agad sinundan ni Sasha.
​
"Oo naman!"
​
"Sorry, pauwi na kami."
​
Binatukan ni Sasha ang pinsan sabay bulong, "Anuba Greg?! 'Di natin kilala yan." Sa loob-looban ni Luke sang-ayon siya kay Sasha pero gusto din niya mag-libot.
​
Sumimangot si Greg at hinimas ang kaniyang batok. "Eh alangan namang umuwi tayo diba? Sakto na rin, 'di pa nakaka-lakwatsa 'tong si Luke dito." Nginitian ni Greg si Luke sabay tingin uli dun sa batang bagong dating.
​
"Tara."
​
Buong hapon nilang nilibot ang sementeryo. Aliw na aliw si Greg at si Luke sa mga kwento ng bago nilang kaibigan na Bob pala ang pangalan, samantalang naiilang pa rin si Sasha. Madali siya maniwala sa kung ano-anong kwentong kababalaghan, at puro katatakutan ang laman ng mga kwento ni Bob. Mukhang maraming alam si Bob sa sementeryo dahil matagal na raw siyang binabayaran para maglinis ng mga puntod. Ilang beses na niya inaya ang dalawa na umuwi at huwag na making sa mga kwento ni Bob ngunit inaasar lamang siya na “duwag” ng mga ito.
​
"Oh alas-sais na, umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo nila mama." Sabi ulit ni Sasha habang tumitingin sa orasan ng kaniyang selpon. "Dali na tara na, pa-low batt na ako oh." Dagdag niya ng may halong inis. Ang katotohanan ay kanina pa si Sasha napapatingin sa may balikat niya dahil may nararamdaman siyang nakatingin sa kanila.
​
Sasama na sana si Luke, iniisip din ng binata na baka kung ano pa ang mangyari sa kanila nang biglang hawakan ni Greg ang kaniyang braso, tila naiinis na ito sa pinsan. "Kung gusto mo umuwi Sasha, mauna ka na. 'Di pa kami tapos sa pagga-gala namin."
​
At doon na nagsimula mag-away ang dalawa na sinubukan ni Luke ayusin ngunit wala talaga. Mula pa nung bata sila, si Greg at si Sasha na talaga ang palaging nag-aaway kaya sanay na siya rito. Napatingin si Luke kay Bob pero parang may tinititigan ito sa malayo, “Weird.” Bulong ni Luke sa sarili bago niya binaling muli ang kaniyang atensyon sa mga pinsanng nag-aaway.
​
Galit si Sasha na umalis, may banta pang isusumbong sila parehas. Mapapansin na parang nagmamadali ang dalaga maglakad palayo. Napa-iling si Greg, “Isa siyang dakilang duwag.” Wika nito habang pinapanood ang pinsan umalis.
​
"Ano na uli kwento mo tungkol sa naka-libing dito?" Tanong ni Greg kay Bob at nagpatuloy na ang usapan ng mga binata. Habang tumatagal ay napapansin ni Luke na tila bang lumalamig ng lumalamig ang kapaligiran. Nilagay niya ang kamay sa batok, nag-aalala na sapagkat nakakaramdam na siya ng kaba kaya naman napa-simangot si Luke. Hindi naman dapat ganito ka-lamig ang gabi simula noong dumating siya dito.
​
Nang mag alas-otso na ay saka lang natapos ang kanilang paglilibot at paguusap. Napatingin si Luke sa paligid, "Mukhang malayo na tayo sa exit ng sementeryo ah." Wika nito sabay tingin sa kaniyang mga kasama.
​
Napangisi naman si Greg, "Bakit? Takot ka na rin ba?" Pang-aasar niya sa pinsan sabay tawa nila ni Bob.
​
"Sige na, tara na. Labas na tayo."
​
Pinangunahan ni Bob ang dalawa sabay lakad sa isang direksyon, agad namang sumunod si Luke at si Greg. "Eight o’clock na, lagot na tayo kay mom at tita." Bulong ni Luke sa pinsan.
"Luke, kung sinumbong nga tayo ni Sasha edi kanina pa tayo nasa bahay." Sagot naman ng pinsan niya. Napabuntong hininga naman si Luke dahil doon, naisip na niya yun at nakapagtataka nga na dalawang oras na pero wala pa ring naghahanap sa kanila.
​
Lumipas na ang isang oras ng kanilang paglalakad at kapansin-pansin ang ulit-ulit na tinatahak nilang daan, "Bob, pang-sixth nang beses natin nadaanan puntod ni Manong Cruz." Reklamo ni Luke, napatingin naman si Greg sa paligid at doon niya napansin ang isang kakaibang malaking puno. Sa unang tingin may nakita siyang naka-itim na naninigarilyo. Akala niya ay namalik-mata siya kaya tinitigan niya muli at sa pangalawang sulyap ay wala na ang itim. Sa nanginginig na kamay at tinig, tinapik niya ang pinsan. "L-luke pinaglalaruan ata t-tayo ng k-kapre."
​
Napasimangot si Luke sabay tingin kay Bob, "Mukhang natakot mo din ‘tong isa." Biro nito na tinawanan naman ng malakas ni Bob.
​
“Hindi ‘no!” Biglang napa-tuwid ng tayo si Greg, kahit naniniwala siya sa mga katatakutan ay ayaw niya pa ring aminin na natatakot siya. Nakaramdam na naman si Luke ng kakaibang lamig pero ngayon ay pansin niyang naramdaman din ito ng pinsan. Binaling muli ni Luke ang atensyon kay Bob at pansin naman na naaliw siya sa nangyayari, para bang hindi niya nararamdaman ang lamig.
​
Sumilip ulit si Greg sa puno at nakakita na naman ng itim. "I-insan andun talaga s-siya." Pinagbigyan ni Like ang pinsan at tumingin din sa kung saan si Greg tumitingin, doon nga niya nakita ang isang malaking itim na nilalang na naninigarilyo. Ang mga mata nito ay nanlilisik na pula at tila bang nang-aasar ito sa ngisi niya sa kanila.
​
"Bob! asan ba kasi ang labasa-" Nagpapanic na tanong ni Greg ngunit wala na si Bob sa kung saan ito nakatayo kanina. Nagsitaasan ang mga balahibo sa batok at sa braso nina Greg at Luke. "
Bob?!" Tawag ni Luke na nagsisimula nang matakot, ngunit hindi na uli nagpakita si Bob. Nanlaki ang mata ng dalawang binata at napatingin sa paligid. Nawala na naman ang kapre sa puno nito. Nangiginig na ang dalawang binata at halos magkayakap na, humangin ng malakas at saka na nagtakbuhan ang dalawa habang sumisigaw. Makakarinig ng napakababang tawa mula sa malayo.
​
Matagal na nagsisitakbo ang dalawang binata ngunit parang hindi nila mahanap ang labasan sa sementeryo. Hindi pa rin nawawala ang lamig na kanilang nararamdaman, dagdag pa na natatakot sila dahil parang palagi may nakatingin. Hinihingal na ang magpinsan at tumigil muna nang bigla silang nakarinig ng bungisngis mula si likod nila. Nagsitayuan muli ang balahibo nila sa leeg, kanina pa sila kinakabahan pero kakaiba na ang nararamdaman nila ngayon.
Nagsisimula ito sa kanilang mga paa at onti-onting gumagapang pataas, nanginginig ang mga kalamnan ng dalawang binate at nagkatinginan sila, "huwag-" bulong ni Greg. "Huwag kang titingin sa likod." Pagpapatuloy nito, sadyang ayaw pa siguro ni Luke maniwala at dahan-dahang sumilip ito sa likod. Nakakita siya ng batang tumatawa, nanlaki ang mata niya dito at mas pa nung mas naanigan na niya ang mukha nito. Duguan at walang mga mata.
​
"AAAAAAH!" Sigaw ng binata sabay takbo na agad sinundan ni Greg. "ANG KULIT MO NAMAN SABING HUWAG TUMINGIN EH." Paiyak na sigaw ni Greg sa kaniya. Nakatakbo na sila ng malayo nang matisod at madapa si Greg. "Aray!" Sigaw nito, umiiyak na ang binata. Pag angat niya ng ulo ay bungad ang puntod ng Lolo at Lola nila. "Greg! Ano ba, tumayo ka jan. Baka nasa likod na naman natin yung-"
​
"Baliktarin mo!" Sigaw ni Greg bigla, dali-dali nitong hinubad ang pantaas at binaliktad bago sinuot ulit. Naguguluhan si Luke sa ginawa ng pinsan pero ginaya naman niya ito. "T-turo sakin ni l-lolo nung buhay pa siya." Sinubukan ni Greg na ipaliwanag, habang nakatingin pa rin sa puntod. "Kapag pinaglalaruan daw ng Kapre, baliktarin ang damit para matigil it-" Naputol ang sinasabi ni Greg nang may biglang yumakap sa kaniya mula sa likod pati na rin kay Luke na nagpasigaw na naman sa dalawa.
​
"Ano ba kayo?!" Sigaw ng isang boses na katunog ng mama ni Luke, napatigil ito sa pagsigaw pero nagpupumilit pa ring makawala sa yakap nito. "Luke! Lucas! Nanay mo ito! Ano ba nangyari sa inyo ha?! Saan kayo nanggaling?!" Doon na tumingin si Luke sa likod at nakita nga na mama niya ang nakayakap sa kaniya. Mahigpit niyang niyakap ang nanay niya habang umiiyak. "Kanina pa namin kayo hinahanap, simula nung sinabi ni Sasha na nagpaiwan kayo dito." Sermon naman ng nanay ni Greg. Naka-uwi na rin sa wakas ang dalawa.
​
Kinabukasan, Undas, napilit ang dalawang magpinsan na bumalik sa sementeryo kahit na takot pa rin sila. Hindi pa rin nila kinukwento kung ano ba ang nangyari kagabi. "Ayos lang kayo?" Tanong ni Sasha na nag-alala din sa dalawa. Tumango naman parehas si Luke at Greg.
​
Pauwi na sila nang may narinig silang nag-uusap. "Ayan yung nadisgrasya sa daan. Ang bata bata pa, marami pang pangarap sa buhay." Napatingin yung dalawa sa kung sino naguusap.
​
"Bungisngisin nga eh, kaya ang alias tuloy bungisngising Bob."
​
Nanlaki na naman ang mata ng dalawang binate, sinasalamin ang reaksyon ng isa’t isa. Maging si Sasha ay lumapit dahil sa narinig, ramdam ang panlalamig sa tiyan.
​
"Tara na, uwi na tayo." Wika nito sa dalawang namumutlang binata.
​
Maririnig sa malayo ang bungisngis ng inakala nilang kaibigan.
Photograph taken by: Liwayway.